bihira ang pagkakataong to. sinisipag akong managalog mga kababayan. at walang kinalaman dito ang SONA ng pangulo kanina. trip ko lang talgang managalog. aba, mas mabilis akong magsulat pag ganito. light kase ang mood ko ngaun. kanina hindi. hai...may naisulat akong tula...para muli sa iyo iyan [kilala mu na kung sino ka =) ] nakakatuwa dahil ambilis kong naisulat ang tula na yan. inspirado. sana magustuhan mo iyan :) matagal tagal na rin akong di nakakapagsulat ng tungkol sa ibang bagay. (pano lagi na lang ikaw ang naiisip ko *nakanaman*) pero totoo iyon. gutom na ko. parang hindi sumayad ang hamburger na binanatan namin ni bossing (si welts-is-merts) kanina sa tropical bago kami umuwi. sa totoo lang, idolo ko to. matatag kahit payat. kung gagawin siyang human shield ng mga tangkeng pandigma ng pilipinas, matagal na sana tayong WORLD power militarywise. malupit to. malupit sa sarili nya. kung alam lang ng mundo kung gaano kagulo ang mundo ng taong ang tawag sa sarili ay ang sakit ng mundo (world pain), siguro ay maiiba ang tingin nila dito. nakakapagtaka na kinakaya nyang magparaya. magparaya madalas. laging una ang iba. kakaiba ka talaga. minsan ako na mismo ang naiinis dahil kinakawawa na naman nya ang sarili nya. pero hindi katangahan yun. malasakit un. bihira un. bihirang bihira. nakakatuwang isipin na may mga tao pang gaya nya na hindi pa patay at hindi pa nababahiran ng katarantaduhang umiiral sa mundo. (hehe) astig talaga. ayoko nang managalog. next post!