langya talaga. angkati. makatingmakati. bwiset. sobrang makati. dumugo na't lahat makati pa rin. ilang beses nang ginustong magsara pero pilit paring tinatastas ang balat na tumatakip sa sugat. hindi makuntento sa paglipas ng kati. kelangan mong dumugo. bilang parusa sayo. kailangan mong dumugo. nakakatuwang isipin na ginagamot mo ang sarili mo. pero dahil dyan, lalo kang masasaktan. pero wala ring silbi. kailangan mong dumugo. dahil nakakatuwa. kakaibang tuwa. masokista? hindi naman. masarap lang talagang kalikutin ang naghihilom na balat. kalikutin hanggang sa mamula. mamula dahil sa dugo. at pag napunit na muli ang sugat na maghihilom na sana, papatak ang dugo. at papahiran ko ng sama ng loob. dahil alam kong sa pagtagal ay gagaling ka rin. ngunit sa ngayon, dumugo ka muna. para matapos na. para matapos na. tapusin mo na.