bata pa lang ako, mahilig na ko sa art. tuwang tuwa ako noon kapag maguumpisa na ang klase dahil sandamakmak ang bago kong art things. kumpleto lagi ang supplies ko noon. meron akong mongol pencils na one, two at three kahit hindi ko naman ginagamit ung one at three dahil two lang ang gusto ko. meron din ako nung black na lapis na mahaba at mataba na kulay puti ang pambura. hindi ko din un ginagamit. ayoko nung lapis na may mga design. gusto ko lang ay yung mongol ko na yellow na number two. simple, madaling gamitin, swabe tasahan, at higit sa lahat, hindi mabilis maupod. paborito ko din ung mga crayola. nagtatantrums ako noon (kahit na seven years old nako) kapag hindi 32 colors ang crayola ko. meron ako nung 8-color, 16-color, 24-color, at 32-colors na set. alam kong meron namang kaparehang kulay sa 32 color set ung laman ng ibang mga set pero gusto ko talagang kumpletuhin yon. mahilig kase kong mangolekta. meron din nga pala ko nung mga BIG crayola na hindi naman talaga ginagamit dahil masydong mataba ung dulo nun. tsaka hindi siya kasya sa ART ENVELOPE ko. (art envelope - isang clear plastic envelope na pinaglalagyan ng art supplies.) Dati hindi ako maaaring magsulat sa ibang papel, talagang sa OSLO PAPER lang. ewan ko ba kung bakit trip na trip ng mga grade school teachers ang OSLO PAPER kahit hindi talaga ito fit for drawing. magaspang ang oslo paper at masyadong makapal. pangit din gawing origami dahil sablay siya mag-fold. bobo ang oslo paper. ung art paper naman ay nakakaasar kahit maraming kulay dahil napaka-nipis naman. madaling liparin, madulas, at higit sa lahat, napupunit pag nagbura ka ng sinulat mu doon. badtrip ang art paper. pang-origami lang talaga iyon. meron din ako nung gunting na pang kids na dalawang sara mo pa lang sa gunting ay sira na. meron din ako nung elmers glue. dinadala ko un lagi dahil kinakain iyon ng bully nung grade one. pag hindi mo siya binigyan ng glue, papahiran ka nya ng kulangot. naisip ko nga na marahil ay doon nagsimula ang "PANGINGIKIL" at "RED TAPE". meron din akong water color. hindi naman talaga cia water color...kaya lang tinawag na water color iyon ay dahil sa nilalagyan ng tubig ung mga pinatigas na kulay (rectangles) para makapag-produce ng kulay na malabo naman. hindi ko gaanong ginagamit ang watercolor. hindi kasi siya cool..messy pati. pero ibang usapan ung pantasa ko. astig ung pantasa ko. kulay pink (wag kang tumawa) nga cia pero astig pa rin dahil ANIM ang butas nya! (a panis!) isa para sa mongol, isa para sa crayola, isa para sa crayola big, isa para sa big pencil, isa para sa extra big pencil at isa para sa mascara ng nanay mo! HAYYEEEEP! napaka-handy. mahilig akong mag-tasa dati. noon pa lang ay alam ko na ang relaxing powers ng isang seemingly senseless task na tulad ng pagtatasa. dati nga tinasahan ko ung isang number two pencil ko hanggang sa dulo para lang malaman kung gano katagal iyon gawin. kaso nakalimutan kong hindi pa pala tinuturo nung grade 1 ang pagbabasa sa analog na relo. pero kung iisipin, nung matapos akong magtasa ay hindi pa tapos ang "THAT's ENTERTAINMENT", ibig sabihin ay matagal tagal din bago maubos sa kakatasa ang isang number two na mongol. nun ko naisip na hindi na ko gagamit ng iba pang pencil. number two mongol lang. natuto kong mag-drawing dahil kay CHRISTIAN JACINTO (mas kilala sa pangalang JACKTOT ng mga kaibigan nya nung high school). close kami ni JACKTOT nung grade 1. noon, christian pa ang tawag sa kanya. muntik na kong umiyak nung ipadrawing samin ng teacher namin ung aso sa religion book namin. hindi ako marunong kumopya sa libro kaya kinabahan ako. tapos biglang umepal si jacktot sa dramatics ko. pinakita nya sa akin ung papel nya at nakita ko doon ang imahe ng isang aso. kamukhang kamukha iyon nung aso sa libre. na-tanga ako sa bilib. sabi ko, "bata, turo mo sakin yan". sabi niya, "hindi ako si bata, ako si christian". at dahil mga bata pa kami, wala nang plastikan at gaguhan pa kaya tinuro nya sakin ang paraan. madali lang pala. susundan mo lang ung linyang malabo na makikita mo kapag pinatong mo ung manipis mong papel sa ibabaw ng libro. iyon ang unang pandarayang ginawa ko (hindi naman siguro daya, pero sabi kasi ng teacher i-drawing daw, hindi naman sinabing i-bakat). magmula non ay lalo kong na-engganyo sa art. lahat ng pahina ng notebook ko ay may drawing. nauubos ang mga lapis at krayola ko sa kakadrawing (un ay kung hindi ko pa sila nawawala). lagi ring out-of-stock ang OSLO paper sa bahay namin dahil sa kakadrawing ko. aaminin ko, na-addict ako sa drawing at sa art pero ok na ko ngayon. nagdodrawing pa rin ako hanggang ngayon pero kaya ko nang tumigil. nacocontrol ko na ang urge. hooray to me.
samakatwid, the best pa rin ang pantasang maraming butas.
amen!
-out!
-eLiv