tanday parin ang unan
habang yapos ng kumot
ang damit ay lukot
ang diwa ay pagod
huni ng mga ibon
at ungol ng hangin
ang babati sa bagong araw,
araw na ayokong harapin
nilalambing ng umaga
ang mga matang tamad
inuudyok na gumising
at iwan ang lugar ng pangarap
nakita kitang muli
sa isang panag-inip
imaheng hindi tunay,
maganda ngunit panandalian
nakita kitang muli
at noon di'y sumaya
sumaya sa sandaling hindi tumatagal
sumaya ngunit nagunaw din
buksan ang mga matang mugto
saluhin ang luhang tumutulo
at ang nanumbalik na lungkot
ay salubungin ng pilit na ngiti't yakap
walang saysay ang buhay
kung walang kaibahan
kaya pawiin ang ngiti't tuwa
lasapin ang sarap ng lungkot at luha
dahil ito may matatapos din...
lilipas din...
lilimutin din...
gaya mo...
gaya ng panag-inip...
sabay kayong maglaho...
mabura sa diwa...
malunod sa kawalan...
at ako'y iwanan...
iwanang luhaan...
iwanang pagod...
iwanang giniginaw at baluktot...
iwanang malungkot sa talukbong ng kumot...
sadista ka.
"bedmarks"
-eLiv