inaalipin ako ng utak ko. tama. yun nga. kahit ngayon. kahit dati pa. ngayon mismo. sa puntong ipagsisigawan ko ang paghihimagsik laban sa kanya, cia pa rin ang nangingibabaw.
brain: tangina ang corny naman ng bungad mo.
oo nga e. leche. ang epal mo talaga. kahit kelan ka.
brain: e pano, sablay ka kasi humirit e. pati tuloy ako nagtutunog corny kapag ikaw ang nagsusulat. wag mong i-sabotahe ang dinidikta kong itatayp sayo gago.
opo master.
brain: wow, ambilis tumaas ng rate ng autism mo brod. kung iisipin mong maigi (at ako na naman ang gagawa nun), kinakausap mo lang ang sarili mo. mag-ingat ka dahil baka maging psycho schizo freakazoid ka nyan. sayang naman ako.
shet. nakakatakot nga un. ayokong magising na hindi na ako ako. diba ganun ung schizophrenia
brain: wow ang galing mong magspell. natutunan mo kay kresta yan e.
floozie. di ko na nga iniisip un e. wala ba tayong paguusapang may sense?
brain: onga e. lagi na lang latakwents tong mga sinusulat mo. sa site na lang na luma mo to i-post. mahiya ka naman. nagmumukha kong gago sayo e.
e gago ka naman talaga e.
brain: funk you. body ka lang.
shet ang hirap magisip ng central idea para sa series na to. tumulong ka naman.
brain: fine fine...
mas maganda yata kung iibahin natin ung takbo ng narration.
brain: oo nga. gawin na lang natin na magsasalita ako na parang kwinekwento ko lang sa kanila ung mga pinaguusapan natin. parang ganito:
kausap ko si alex kanina. as usual, hindi na naman nya alam kung ano ang gagawin nya sa buhay nya. gago kasi e.
brain: ano, ayos ba un?
masyado kang negative. wag ka na. ako na lang gagawa nyan. salamat sa idea.
brain: lagi naman e. reverse psychology.