failure (original)

Tuesday, October 11, 2005

tangina walang masulat.

natutuwa ako. kanina. masaya e. masaya talaga. pero nakakatakot...anung mangyayari? san pupunta? kelan? hanggang kelan? bakit ngaun? bakit minsan meron? minsan wala..bakit ganun? tanong tanong tanong. parang lokohan. daldalan tungkol sa wala. walang nagpupumiglas para maging isang bagay na importante. bagay na gugustuhing matuloy. tuloy tuloy. walang putol. walang sala. walang hinto. derederetso. walang sagabal. kung meron man, susuungin. ipagwawalang bahala ang lahat ng harang. hindi kasi ganun kadali. bakit walang madali? bakit laging may prayoridad? hindi pwedeng basta makuha ang gusto. hindi nadadaan sa pandaraya at pagnanakaw ang lahat ng bagay. may iilan. pero wala ni isa doon ung mga bagay na talagang mahalaga. walang kausap. alam kong yun lang talaga ang gusto ko. kausap. dahil mayabang ako. tama si tyler durden. papakinggan ka lang kapag akala nila'y patay ka na bukas. bakit laging ganun? lagi na lang bang mawawalan ng saysay ung mga bagay na gusto kong isulat? walang pakialam ang kahit sino. walang pakiramdam ang kahit ano. bulag. pipe. binge. yan ang mundo natin. isang malaking tangina. nakakatakot mamatay pero walang nakaisip na nakakatakot ding mabuhay. siguro iyon ang kaibahan ng tanga sa taong grasa. ung tanga, takot sa kamatayan dahil sa buhay na walang kasiguraduhan, ung taong grasa, takot sa buhay dahil may naaaninag na kalayaan sa substance at marahil pati sa nalalapit na kamatayan. bakit walang sumisilo sa gulo? bakit walang harang pagdating sa gulangan, katamaran, dayaan, at manipulasyon? nasaan ang institusyon ng disiplina na ginugusto ng lahat pero walang naglalakas-loob na magsimula? bakit puro ako salita? wala pa rin naman akong nagagawa. puro dada...wala namang gawa. iyan ang buhay ng tao. ang magbato ng pangako sa ulap..at ano ang kapalit? malagkit na ipot sa mukha. masyado tayong takot. takot sa lahat ng bagay. ginawa tayong ganito. mabubuhay, magtataka, mamatay. kaya kung nagtataka ka rin, pare, hindi ka nag-iisa.

tangina diba?

magkapaan tayo ng anino sa dilim.


bawal magsalita..........shhhh....tahimik lang.............


-eLiv


| || ?!? || materialized 12:27 AM

+ + +
Comments: Post a Comment
Credits

bartend
blogger main
chatbox
flickr
emailyahoo
emailgoogle
gamefaqs
gamespot
fiendster
apacer
mport
nvncbl
yahoomusic
gadgets
the used
Links

author
cafe
chard
jen
kayren
laya
lira
macks
rem
harlequin & friends
ruthie
sarj

friendster : whos_alex@yahoo.com

Profile

and then there was me.
an ambitious kid wandering alone in this train wreck called life.
fascinated by inanimate things and dastardly gaps in time.
wondering why the possibility of finding happiness
seems as slim a chance as finding penguins in the dessert.
he laughs.
laughs in mockery. laughs in fear. laughs in anger.
but his favorite laughter is that which hides the gloom
which has evolved from being an acquaintance to an intimate friend.
such is the demise of an observer trapped inside a toppled box.
ensconced inside a niche of shadows,
he laughs aloud just to drown the deafening silence

Archives

July 2004
August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
October 2005
May 2006
June 2006



manok.


(ano daw?)


bok bok bokok


click mo ung word na "blog" sa baba nito