discussion:
leche. may pasok na ko bukas. pero ayokong maging focus ng blog ko ang buhay ko. ituon natin ang ating atensyon sa isyu ng unang araw ng klase at ang kalakip nitong "anxiety". eto na:
siguro naranasan na ng nakakarami ang tinutukoy sa entry na to. ung feeling na excited kang pumasok pero at the same time e nagngangalit ang cells ng katawan mo dahil sa anticipated na work load. nung elementary, magkahalong takot at excitement mainly dahil sa mga kaklase. takot na takot ako noon na baka maging kaklase ko si pardeep girn dahil mahilig ciang mamahid ng kulangot (pero nakita ko cia about a year ago, di naman na cia siguro namamahid ng kulangot). excited akong makita ulit ung mga kaibigan ko kahit na di ko na sila maging kaklase. andyan sina nico oleta na naging kaklase ko mula grade 1 hanggang first year high school yata, si jacktot (christian jacinto) na ciang nagturo sakin magbakat ng drawing ng aso mula sa religion book (kaya ko nakilala ang image art), sina ernest flaminiano na hanggang ngayon e bespren ko pa din, sina albert paz at jp anareta na kasabay ko pang napilit kumanta sa stage ng "huling el bimbo" nung grade 3. anyway, nagdedeviate na ko sa topic at sobrang haba na. tama na to.
application:
wala naman...wala ka naman kasing magagawa sa first day kundi pumasok o kaya e magiwan ng masamang first impression sa pamamagitan ng pag absent sa unang meeting.
parang kamatayan ang first day of classes...kinakatakutan ng marami, pilit tinatakasan ng iba, at sinasalubong ng maluwalhati ng mga mapapalad na nakaintindi at nagenjoy sa mga aral ng buhay/last term. gandang analogy. damned im good.
recommendation:
-ugaliing pumasok sa first day dahil baka kailanganin mo balang araw ung i-a-absent mo sana sa first day mo.
-maghanap ng mga kakilala sa first day para may kasabay kang maglunch at magpetition ng subjects dahil 15 units ka pa lang (19 ang regular load)
-matulog ng maaga kung 7am ang unang klase mo
-matutulog na ko.
-out!