entry 5 : first day jitters

Wednesday, May 31, 2006

discussion:

leche. may pasok na ko bukas. pero ayokong maging focus ng blog ko ang buhay ko. ituon natin ang ating atensyon sa isyu ng unang araw ng klase at ang kalakip nitong "anxiety". eto na:

siguro naranasan na ng nakakarami ang tinutukoy sa entry na to. ung feeling na excited kang pumasok pero at the same time e nagngangalit ang cells ng katawan mo dahil sa anticipated na work load. nung elementary, magkahalong takot at excitement mainly dahil sa mga kaklase. takot na takot ako noon na baka maging kaklase ko si pardeep girn dahil mahilig ciang mamahid ng kulangot (pero nakita ko cia about a year ago, di naman na cia siguro namamahid ng kulangot). excited akong makita ulit ung mga kaibigan ko kahit na di ko na sila maging kaklase. andyan sina nico oleta na naging kaklase ko mula grade 1 hanggang first year high school yata, si jacktot (christian jacinto) na ciang nagturo sakin magbakat ng drawing ng aso mula sa religion book (kaya ko nakilala ang image art), sina ernest flaminiano na hanggang ngayon e bespren ko pa din, sina albert paz at jp anareta na kasabay ko pang napilit kumanta sa stage ng "huling el bimbo" nung grade 3. anyway, nagdedeviate na ko sa topic at sobrang haba na. tama na to.

application:

wala naman...wala ka naman kasing magagawa sa first day kundi pumasok o kaya e magiwan ng masamang first impression sa pamamagitan ng pag absent sa unang meeting.
parang kamatayan ang first day of classes...kinakatakutan ng marami, pilit tinatakasan ng iba, at sinasalubong ng maluwalhati ng mga mapapalad na nakaintindi at nagenjoy sa mga aral ng buhay/last term. gandang analogy. damned im good.

recommendation:

-ugaliing pumasok sa first day dahil baka kailanganin mo balang araw ung i-a-absent mo sana sa first day mo.
-maghanap ng mga kakilala sa first day para may kasabay kang maglunch at magpetition ng subjects dahil 15 units ka pa lang (19 ang regular load)
-matulog ng maaga kung 7am ang unang klase mo
-matutulog na ko.


-out!


| || ?!? || materialized 11:00 PM

+ + +
entry 4 : ang misteryo ng "mooner" boys

Tuesday, May 30, 2006

**may isa pang entry sa ilalim ng entry na to**

prologue:

naglalakad ako kahapon sa subdivision pauwi sa bahay namin. may dumaang kotse sa kalyeng dinadaanan ko. may napansin akong gumagalaw sa right side peripheral ko. di ko pinansin.

nananahimik akong naglakad patungo pa din sa bahay ng biglang may sumutsot (psst psst) sakin. di ko napigil sa paglingon ang ulo ko. putcha may dalawang bata at ang susunod na mga pangyayari ay talaga namang nakakasindak!

I GOT FUCKIN MOONED!!!!!!

discussion:

mooning - act of displaying one's bare buttocks by lowering the back side of one's trousers and underpants, usually without exposing the genitals. (for complete article visit http://en.wikipedia.org/wiki/Mooning)

ginagawa ang mooning as a sign of disrespect at para na rin sa shock value. pero nakakatawa kasi ung kahapon dahil mga batang inosente naman ung nag"moon" sakin. tawa lang sila ng tawa habang winawasiwas nila ung pwet nila sa line of sight ko. nakakatawa nga e kasi medjo badtrip ung init ng araw tapos biglang mamoomoon ka ng mga batang makulit kaya napawi ung bad mood ko :D

application:

kapag malungkot, humanap ng mooners (o kaya e dumaan ka dito sa street na dinaanan ko) siguradong matatawa ka :D

recommendation:

-kung may alam kang "mooning" spot kung san may mga batang mooners, ipaalam sa kinauukulan
-bumili ng mooner cage at hulihin ang mga nakikitang mooners na nakakatuwa
-gawing pet ang mooner para pag depressed ka e hahagisan mo lang ng hopia at presto! instant saya :D
-wag magpapahuli sa bantay bata 163
-pag nahuli, i-deny.



-out!


| || ?!? || materialized 8:47 AM

+ + +
entry 3 : bakit magulo ang buhok pagkagising?



discussion:

ang ulo ng isang bedhead ay parang talahibang pinagdiscohan ng tatlong bagyo. magulo. bakit tuwing nagigising ako e magulo ang buhok ko? nakakapagtaka kasi e. dahil kaya sa paraan ng pagkakahiga? dahil kaya magulo ako matulog? dahil kaya marami akong iniisip? dahil kaya mahaba na ang buhok ko? maraming pwedeng dahilan, wala nga lang akong mapaniwalaan.

application:

ano bang moral lesson ang pwede dito....hmm....teka...

**loading**

aha. ang paggising na magulo ang buhok ay maihahalintulad sa tanong na "pinapairal ba ng fate and buhay ko o kaya ko bang ibahin ang mga bagay na mangyayari?". bakit kamo? dahil destiny natin na gumising na sadyang magulo ang buhok, pero may choice kang maligo (o magbasa man lang ng buhok) bago umalis ng bahay para walang makaalam na na-bedhead ka.

recommendation:

**the bed head frequency experiment**

steps:

-mag setup ng video camera with tripod sa kwarto mo
-itutok sa kama
-pigilan ang sarili sa pag gawa ng sarili mong version ng la salle sex scandal
-subukang matulog kahit may nakatutok na camcorder sayo
-paggising bukas ay pansinin kung bedheaded ka
-magtoothbrush ka muna
-panoorin ang video upang malaman kung ano ang sanhi ng bedheadedness at kung may nagmumulto sa kwarto mo
-magcomment sa post na ito hehe



-out!


| || ?!? || materialized 8:31 AM

+ + +
ENTRY 2: ANG MISTERYO NG PANTALONG MAHABA

Sunday, May 28, 2006

discussion

marami ka bang kaibigan? mababait ba sila? alam ba nila kung san nakakabili ng pantalong sakto ang haba? hindi din? we're all fucked.

nakakainis ang mga pantalon na RTW (Ready To Wear para sa mga ngaun pa lang tinutubuan ng utak **jokes**). lagi na lang sobra ang haba ng mga pantalon sa mall at sa mga retail shops. siguro sadya iyon para magkaron ng allowance para sa mga ultra tangkad na tao, pero hassle pa din. dapat kasi, mag survey sila ng average length ng lower bodies ng mga mamimili para makakuha sila ng data na pwede nilang aralin (o ipaaral) sa R&D (Research and Development) ng company nila. ilang pantalon na ang naluray ang laylayan dahil sa kakasayad sa semento pag naglalakad. madalas nakakadapa pa ang laylayan ng pantalon dahil mahaba nga. leche cake. bothered ako kapag ka dinaan lang sa tupi ung laylayan para hindi sumayad. nakakaconcious dahil maya maya lang e loose nanaman ung tupi. baka iniisip mo naman na pandak ako kaya ang haba ng mga pantalon ko para sakin, pero hindi, mali ka, hindi ako pandak, mali ka. hehehe mali ka!!!

application:

ang moral lesson ng mahabang pantalon e ito: matuto kang gumawa ng paraan dammit! kung hahayaan mong maging sagabal sa buhay mo lahat ng pantalon mong mahaba ang laylayan e wala kang mapapala! basahin mo ang recommendation para magka-idea ka.
sabi nga,

"..walang pantalong sobra ang haba para sa weird fashion sense ni jolina.."

recommendation:

tutal nababanggit na lang rin naman si jolina, unahin na natin ung solusyon nya sa mahabang pantalon.

-gumamit ng paperclip para ma-secure ang tupi ng laylayan ng pantalon
-kung walang paperclip, pwde ding gumamit ng iba pang office/school supplies tulad ng stapler, tape, clip na pang secure ng lettering guide etc.
-kung may pardible ka, mas mahusay...pero kung may pin ka, mas mas pinaka mahusay!
***ingatang matusok ang ugat sa may tendon mo dahil baka mamatay ka sa blood loss***
-ipatabas mo sa "adjustment" section ng department store na pinagbilhan mo (meron sa mga ROBINSON's MALLS **biased**) pero may bayad nga lang.
-ipatabas mo sa nanay mo (kung hindi cia ultra busy gaya ng nanay ko)
-ipatabas mo sa lola mo pagdating nya galing sa nueva ecija (bukas na dadating ung lola ko kaya maaayos na ung lonta ko..bahala ka na dun sayo.)



antiyaga mo magbasa.

salamat sa dalaw!

magiwan ng comment para may "thanks you" kang matanggap.




word of the day: "manok"

-out!


| || ?!? || materialized 5:55 PM

+ + +
entry 1: ang misteryo ng hopyang baboy

Saturday, May 27, 2006

discussion:

maraming klase ng hopia. may ube, mongo, ube macapuno, langka, etc...pero ang paborito ko talaga e ung hopiang baboy. ewan ko ba kung bakit tuwang tuwa ako sa lasa nun..nakakatuwa ung hopia na un dahil sa lahat ng hopia, un lang ung sinungaling. sinungaling dahil hopia baboy cia kahit wala namang kahit anong gawa sa baboy sa loob nun. chewy ang hopiang baboy. may mga hopiang baboy na parang may niyog sa loob..ung parang crystalized niyog bits na ubod ng tamis pag hinimay mo at kinain mo nang solo, ansarap! may murang hopiang baboy. ung mga hopia na kinakain ng mga trabahante sa construction tuwing break sa hapon, hopiang baboy un! ung tig dodos pesos lang. mura at masarap itambal sa pop cola. minsan nga lang, malas, kasi matigas ung "shell" nung hopia baboy. pansinin ang mga ngipin ng mga construction worker..ang ilan ay sira (marahil dahil sa hopiang matigas). masarap ung hopiang baboy na original from ongpin. talagang dadayuhin mo.

application:

kung may isang stereotype na tao na pwede mong itulad sa hopiang baboy, e iyon ay yung mga pamacho effect na tatay. ang hopia at ang p.e.t. (pamacho effect tatay) ay magkatulad dahil parehas silang mukhang matigas at makunat, pero sa totoo ay malambot at may sweet inside din pala. minsan mahirap i-appreciate ung pagiging callous (F7 spell check) ng hopia at ng tatay, pero sa tingin ko e isa iyon sa mga karakter na nagbibigay ng "interesting side" sa hopia at tatay. ung palaman ng hopia ay hindi nakakasama sa kumakain nito (maliban na lang kung ultra diabetic ka) kaya ibig sabihin e hindi ka dapat magtampo sa tatay mo kahit minsan e may nakakagat kang matigas sa hopia dahil un ung tinatawag na "tough love" (nalilito ka na ba sa analogies?).

recommendation:

>kumain ng hopia
>bumili lamang ng hopia sa mga suking bakery/panadero para maiwasan ang matigas na crust
>masarap ang hopia at cola pero masama ang paginom ng cola araw araw
>tanungin ang sarili kung anung tipong hopia ang tatay mo
>ipasalubong ang hopia sa pamilya
>magsulat ng komento tungkol sa article na to (ehehe)

hanggang sa muli hopia fans



^_____^


| || ?!? || materialized 6:14 PM

+ + +
andaming langgam!!!!!



chanan! kamusta na mga bata?! (kuya boji)

rock on. buhay nanaman! back to blogging...

hmmm...where to start...

sabi sa isang libro:

"live in the present, learn from the past, plan for the future."

unahin ung plan for the future...

im gonna be starting this new trend for my blog...gagawin kong parang "wonder" blog tong blog ko.."wonder blog" dahil puro mga tungkol sa mga bagay bagay na nakapagtataka ung isusulat ko..mga tipong topic tulad nito: "bakit maraming langgam sa kwarto ko?"

who am i even talking to?

anyway, ayun. kaya sige. go!



^_____^


| || ?!? || materialized 6:08 PM

+ + +
Credits

bartend
blogger main
chatbox
flickr
emailyahoo
emailgoogle
gamefaqs
gamespot
fiendster
apacer
mport
nvncbl
yahoomusic
gadgets
the used
Links

author
cafe
chard
jen
kayren
laya
lira
macks
rem
harlequin & friends
ruthie
sarj

friendster : whos_alex@yahoo.com

Profile

and then there was me.
an ambitious kid wandering alone in this train wreck called life.
fascinated by inanimate things and dastardly gaps in time.
wondering why the possibility of finding happiness
seems as slim a chance as finding penguins in the dessert.
he laughs.
laughs in mockery. laughs in fear. laughs in anger.
but his favorite laughter is that which hides the gloom
which has evolved from being an acquaintance to an intimate friend.
such is the demise of an observer trapped inside a toppled box.
ensconced inside a niche of shadows,
he laughs aloud just to drown the deafening silence

Archives

July 2004
August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
October 2005
May 2006
June 2006



manok.


(ano daw?)


bok bok bokok


click mo ung word na "blog" sa baba nito